Cauayan City – Himas rehas ang tatlong (3) ginang matapos maaresto ng mga awtoridad matapos lumabag sa kasong PD 1602 at madakip sa isang videoke bar sa Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya nito lamang ika-22 ng Pebrero taong kasalukuyan.
Ang mga suspek ay itinago sa mga alyas na “Lina”, 32 taong gulang, residente ng Tiblac, Ambaguio, Nueva Vizcaya; alyas “Lucy”, 59 taong gulang, may asawa, at alyas “Sally”, 48 taong gulang, Bar Manager at parehong residente ng Brgy. Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya.
Batay sa report, isinagawa ang anti-illegal gambling operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa kanila ang isang (1) set ng baraha; bet money na nagkakahalaga ng P1,670.00 pesos.
Dinala na sa Bagabag Police Station ang mga naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya para sa tamang dokumentasyon at mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa PD 1602.