
Cauayan City – Nakapagtala ng 40 road accidents sa lungsod ng Cauayan simula noong unang araw hanggang ika-16 ng Enero taong 2026.
Sa pinakahuling ulat na inilabas ng Bee Gee Dee Command Center ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office, 19 sa mga indibidwal na sangkot sa aksidente ay positibo sa nakalalasing na inumin, habang 19 rin ang nahuling walang suot na helmet.
Samantala, mula sa 40 insidente, isa naman ang sa kasamaang palad ay binawian ng buhay.
Mahigpit namang nagpaalala ang mga awtoridad sa mga motorista na mag-ingat sa pagmamaneho, mag-suot ng proper gear, at iwasan ang pagmamaneho ng nakalalasing na inumin upang maiwasan na masangkot sa anumang insidente.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









