CAUAYAN CITY- Nagbigay ng mahigit 42.7 milyong pisong halaga ng makinarya sa agrikultura at post harvest facility ang Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization sa labing pitong (17) Farmers’ Cooperative Associations
sa lalawigan ng Quirino.
Kabilang sa mga nabigyan ay bayan ng Cabarroguis, Madela, Diffun, at Saguday.
Ang mga ito ay tumanggap ng isang (1) yunit ng hand tractor, 11 yunit ng four-wheel drive tractors, limang (5) yunit ng walk-behind planters, limang (5) yunit ng rice combine harvesters, at dalawang (2) yunit ng recirculating dryers.
Ayon kay DA Regional Executive Director Rosemary Aquino, ang pamamahagi ng mga makinarya at post harvest facility ay sa ilalim ng 2022 at 2023 na pondo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program ng departamento.