𝗔𝗟𝗧𝗘𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗨𝗡𝗜𝗙𝗢𝗥𝗠 𝗦𝗔 𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗔𝗧 𝗡𝗢𝗡-𝗧𝗘𝗔𝗖𝗛𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗢𝗡𝗘𝗟 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗕𝗔𝗦 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗗

Cauayan City – Dulot ng mainit na panahon naglabas ang Department of Education ng alternatibong uniporme para sa mga teaching and non-teaching personel.

Ayon sa DepEd ang Collared DepEd Polo Shirt ay ginagamit tuwing Brigada Eskwela, Palarong Pambansa, Oplan Balik Eskwela, Regional/Division/School Conferences, at iba pa.

Isa rin sa alternatibong dapat suotin ay ang Puting Collared polo Shirt na may DepEd at Matatag logo.


Nagbigay rin ng abiso ang ahensya na ang mga nabanggit na opsyon ay dapat ipares sa matte black pants anuman ang tela tulad ng slacks, jeans, o cargo pants.

Ipinagbigay alam naman ng kawani na dapat sumunod pa rin ang mga guro sa mahahalagang panuntunan na nakasaad sa Civil Service Commission Memorandum Circular (MC) No. 19, Series of 2000 o ang “Revised Dress Code Prescribed for All Government Officials and Employees in the Workplace.

Ipinagbabawal rin ng ahensya ang mga damit tulad ng leggings, tights, at jogging pants.

Facebook Comments