
Cauayan City — Nadakip ang 6 na katao ang dinakip matapos mahuli sa aktong nagsusugal sa isinagawang anti-illegal gambling operation hapon ika-11 ng Enero sa Barangay Carmencita, Delfin Albano, Isabela.
Kinilala ang mga naaresto sina alyas “Maria,” “Nene,” “Mary,” “Chris,” “Neil,” at “Emman,”. Ayon sa pulisya, nadatnan ang mga suspek sa loob ng bahay ni alias “Emman” habang naglalaro ng “Tong-its”.
Nasamsam sa operasyon ang dalawang set ng baraha, bet money na nagkakahalaga ng ₱657.00, mesa, at mga upuan.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan, at sumailalim sa physical at medical examination bago dinala sa himpilan ng pulisya kasama ang mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kaso.
Samantala, binigyang-diin naman ng bagong pinuno ng Isabela Police Provincial Office na si Police Colonel Manuel Bringas na ang iligal na pagsusugal ay kadalasang pinagmumulan ng iba’t ibang krimen sa komunidad kaya’t patuloy ang mas pinaigting na kampanya ng kapulisan laban sa ganitong uri ng gawain.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan









