
Pinalitan si Caloocan Rep. Edgar Erice bilang House Senior Deputy Minority Leader ngayong 20th Congress.
Sa plenary session ngayong hapon ay isinulong ni House Minority Leader Marcelino Libanan ang nominasyon at paghalal kay ML Party-list Rep. Leila de Lima bilang Senior Deputy Minority Leader.
Una rito ay binawi ni Erice ang inihain niyang bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill at binatikos niya ang substitute bill hinggil dito na inaprubahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms.
Tahasan din nyang sinabi na ang ‘BBM Bola-Bola Marcos’ dahil lahat ng sinasabi nito ay pambobola lang at hindi naman niya natutupad tulad ng pagpapakulong dahil sa flood control scandal, panukala para sa pagbuo ng independent commission laban sa maanumalyang infra project at Anti-Political Dynasty Bill.









