CAUAYAN CITY- Mahigit pitong daang libong piso ang nilimas at tinangay ng mga kawatan sa Saint Louis College of Bulanao (SLCB) sa Purok 6, Bulanao, Tabuk City, Kalinga.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang perang tinangay ay nalikom mula sa nakolektang pangmatrikula ng mga estudyante kung saan inilagay ito sa isang drawer sa accounting office.
Kinabukasan, ng bumalik ang isa sa mga nagta-trabaho sa paaralan ay dito nya natuklasan na nawawala ang pera sa drawer.
Samantala, pinaniniwalaan ng mga otoridad na dumaan ang suspek sa bintana ng mismong opisina.
Nagsagawa naman ng fingerprint examination ang Kalinga Forensic Unit sa pinangyarihan ng insidente para sa pagkakakilanlan ng suspek.
Facebook Comments