𝟳𝟬 𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗨𝗠𝗔𝗡𝗢’𝗬 𝗠𝗔𝗬 𝗠𝗘𝗡𝗧𝗔𝗟 𝗜𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦

Dead on arrival ang 70 anyos na biktima, kinilalang si Jesus De Guzman residente ng Brgy. Manambong Parte, Bayambang.

Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na nasa barangay road ang biktima, partikular sa harap ng bahay ng anak nito nang bigla na lang siyang sinaktan ng suspek na si Ricky Macaraeg ng walang maliwanag na dahilan. Residente rin sa naturang lugar ang suspek at pinaniniwalaang may mental illness.

Inawat ng mga nakakita ang suspek at agad na nadala sa Bayambang District Hospital ang biktima. Dito ay idineklarang dead on arrival ang biktima dahil sa natamong head injuries. Arestado ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayambang Police Station para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments