𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧𝗜𝗩𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗞𝗦𝗔𝗞 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang kwarenta y sais anyos na magsasaka matapos itong saksakin ng kapitbahay sa bayan ng Natividad.

Ang biktima ay nakilalang si jeorge Miranda habang ang suspek ay nakilalang si Gen Tejano parehong residente ng Brgy. San Maximo sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang pananaksak pasado ala una ng hapon habang nakikipag inuman ang suspek sa ilang kakilala ng dumating ang biktima.

Hindi nagkaintindihan ang dalawa na dahilan ng pagtatalo hanggang sa umalis pauwi ang suspek subalit sinundan ito ng biktima.

Nang magpang abot ang dalawa ay dito na sinaksak ng suspek ang biktima sa kanyang tiyan na agad naman naisugod sa pagamutan at patuloy na inoobserbahan.

Samantal,a naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation kasama ang ginamit na patalim at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments