Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang ₱1.285 billion na budget para sa service contracting program ng pamahalaan.
Sa ilalim ng programa ang Libreng Sakay sa ilang pampublikong transportasyon tulad ng EDSA Bus Carousel.
Ayon kay DBM Secretary Amenah Pangandaman, malaking tulong ito para makatipid ng pasahe sa araw-araw na pamumuhay ang mga commuter.
Una nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na target nilang maibalik ang Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel sa Pebrero sa oras na mailabas ng DBM ang nasabing pondo.
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, posibleng hanggang July tatagal ang budget para sa Libreng Sakay ngayong 2023.
Facebook Comments