Higit 70 mga lugar sa Leyte at Samar, lubog pa rin sa baha

Nananatiling lubog sa baha ang 76 na mga lugar sa Leyte, Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran.

Sa datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 34 na barangay at munisipalidad sa Leyte ang baha, 15 mula sa Northern Samar, 24 na barangay at munisipalidad sa Samar, isa mula sa Eastern Samar at dalawa sa Biliran.

Samantala, nakapagtala rin ng landslide o pagguho ng lupa sa Leyte, Northen Samar at Biliran dahil sa walang tigil na pag-ulan.


Mayroon ding naitalang soil erosion at vehicular accident partikular sa Leyte at Samar.

Sa ngayon, tuloy-tuloy ang search and rescue operations sa mga nabanggit na lugar dahil sa nararanasan pa rin mga pagbaha dulot ng sama ng panahon.

Facebook Comments