₱1.4-M halaga ng katol, nasabat ng CIDG; Chinese national, arestado

Nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang Chinese national dahil sa pagbebenta ng mga Food and Drug Administration (FDA) unregistered mosquito coil sa Brgy. Sta. Rosa, Marilao, Bulacan.

Naaresto ang suspek na si Shi Yun Chung alias “Shi Zhen Cong” matapos magkasa ng entrapment operation ang CIDG Regional Field Unit 3 katuwang ang CIDG Bulacan Provincial Field Unit at FDA.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Romeo Caramat Jr., huli sa aktong nagbebenta ng wawang katol ang suspek.


Kasunod nito, 2,050 mga kahon ng katol ang nasabat ng mga awtoridad mula kay Si Zhen Cong na mayruong market value na ₱1.4 milyon.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng CIDG Regional Field Unit 3 office para sa documentation and proper disposition habang inihahanda narin ang kasong paglabag sa RA 9711 FDA Act of 2009, RA 7339 Consumer Act of the Philippines na isasampa laban dito.

Paalala ng CIDG sa publiko na huwag bibili ng hindi rehistrado at substandard na mga produkto dahil mapanganib ito sa kalusugan at mayruon din itong epekto sa ating ekonomiya.

Facebook Comments