Aprubado na ng National Food Authority (NFA) council ang ₱10 bilyong pondo para sa modernisasyon ng NFA.
Gagamitin ito para mapalakas ang kakayahan ng NFA na makapag-imbak ng aning palay mula sa mga local farmers para sa national buffer stock.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr., tututukan sa modernisasyon ang pagbili ng mga postharvest facility.
Ayon sa NFA council, ang 80% na kapasidad na drying capacity noong dekada 80 ay bumaba ngayon sa 5% dahil sa tumataas na produksyon at kakulangan ng pamumuhunan sa mga bagong pasilidad.
Ani Laurel, ang ₱10 bilyon na pondo ay maliit na bahagi lang ng ₱93 bilyon na kailangan upang maabot ang 90% na kapasidad ng mga post-harvest facility.
Itatayo ang mga bagong dryer, rice mill, warehouse, at mga silos sa mga pangunahing lugar na may produksyon ng bigas.
Ayon naman kay NFA acting Administrator Larry Lacson, kapag nakumpleto ang modernisasyon sa drying capacity ng NFA, tataas lamang sa 180,000 metriko tonelada ang produksyon.
Ito ay mula sa kailangang hindi bababa sa 495,000 metriko tonelada.