₱100-K halaga ng hinihinalang “shabu”, nasamsam sa isang buy-bust operation

Nasabat ng District Drug Enforcement Unit ang mahigit P100,000 na hinihinalang shabu sa naganap na buy bust operation

Naaresto ng Northern Police District ang suspek na si Glenn Asoque, isang 38 years old na nakatira sa Valenzuela City.

Bandang alas-2:00 ng madaling araw kanina, inaresto sa Brgy. 165 Caloocan City ang suspek at nakumpiska ang (3) piraso ng medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng puting crystalline substance na pinaniniwalaang Shabu at may tinatayang timbang na 15 grams na nagkakahalaga mg P102,000.00


Nakuha rin ang Isang piraso ng tunay na ₱500 na kasama ng 10 piraso na pekeng 1,000 na ginamit sa nasabing operasyon.

Ang naarestong suspek kasama ang mga nakuhang ebidensya ay dadalhin sa District Enforcement Unit para sa pansamantalang pagkakulong at paghahanda ng dokyumento para sa inquest proceeding.

Facebook Comments