13 turista na sakay ng lumubog na motorbanca sa Romblon, sinagip ng PCG

13 turista ang nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos na lumubog ang sinasakyang nitong motorbanca habang nasa island hopping sa Bonbon Beach sa Romblon.

Nabatid na ang bangka ay hinampas ng malalaking alon kaya lumubog ito.

Kabilang din sa sinagip ng PCG personnel ang operator ng motorbanca.


Nasa maayos na kalagayan naman ang mga biktima nang masagip ng mga tauhan ng PCG.

Facebook Comments