₱102K HALAGA NG SHABU, NASAMSAM SA ISANG LALAKI SA BALUNGAO

Nasamsam ang tinatayang ₱102,000 halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang lalaking residente ng Rosales sa isinagawang buy-bust operation sa Balungao, Pangasinan.

Arestado ang 41-anyos na suspek noong Marso 22, 2026 matapos ang operasyon ng mga operatiba ng Balungao Municipal Police Station sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency Region 1.

Nakumpiska mula sa suspek ang labindalawang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 15.23 gramo, kasama ang iba pang non-drug items.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Balungao MPS ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon habang inihahanda na ang kasong isasampa laban rito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments