MGA BUMIBILI NG ELECTRIC VEHICLE SA PANGASINAN, DUMARAMI BUNSOD NG TUMATAAS NA PRESYO NG GASOLINA

Dumarami ang mga bumibili ng electric vehicle sa Pangasinan bunsod ng patuloy na pagtaas ng presyo ng kada litro ng gasolina.

Ayon sa ilang nagbebenta, kapansin-pansin ang pagdami ng inquiries at aktwal na pagbili ng e-vehicles nitong mga nakaraang araw, kung saan itinuturing ito ng ilan bilang alternatibong transportasyon.

Binigyang-diin din ng mga nagbebenta ang tibay at kalidad ng kanilang mga produkto, na anila’y sulit sa halaga at kayang makipagsabayan bilang praktikal na sasakyan kahit hindi nangangailangan ng gasolina.

Paalala naman nila sa mga gumagamit ng electric vehicle na pairalin pa rin ang ibayong pag-iingat sa pagmamaneho upang maiwasan ang anumang aksidente sa kalsada. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments