₱15,000 ayuda sa mga rice retailer na sapul ng price ceiling, ipamamahagi na ngayong araw

Sisimulan na ngayong araw ang pamamahagi ng ₱15,000 na financial assistance sa maliliit na rice retailer na apektado ng price ceiling sa bigas.

Isasagawa muna ang payout sa mga public market sa Quezon City, Caloocan, Maynila at San Juan.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, kasama rin sa mabibigyan ng ayuda ang mga sari-sari store sa labas ng mga palengke na nagtitinda ng bigas.


Limang libong pisong subsidiya ang kanilang matatanggap sa ilalim pa rin ng Sustainable Livelihood Program.

Hindi naman kasali sa cash subsidy ang supermarket at convience stores.

Facebook Comments