LTO, nagpalabas ng show cause order vs. may-ari ng SUV sa road rage sa Valenzuela

Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office laban sa may-ari ng suv na sangkot sa viral road rage incident sa Valenzuela City noong August 19.

Ayon kay LTO Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza III, nakarehistro ang sasakyan sa isang babae na taga-Bulacan.

Layon aniya ng show cause order na malaman ang pagkakakilanlan ng lalaking driver ng SUV na nagkasa ng baril sa nakagiriang taxi driver.


Habang iniimbestigahan ang insidente, 90 araw munang suspendido ang registration ng SUV.

Inatasan naman ang may-ari ng SUV na lumutang sa tanggapan ng LTO-National Capital Region at magprisinta ng notarized affidavit at mga dokumentong magpapaliwanag kung bakit hindi siya dapat managot dahil sa reckless driving, obstruction of traffic at improper person to operate motor vehicles.

Facebook Comments