₱20 kada kilo ng bigas, imposible – KMP

Imposibleng maibaba sa ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas sa bansa dahil sa Rice Tariffication o Rice Liberalization Law.

Ito ang iginiit ng grupong Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) kasunod ng plano ni presumptive president Bongbong Marcos na ibaba sa P20 hanggang P30 kada kilo ng bigas.

Ayon kay KMP Chairman Emeritus Rafael “Ka Paeng” Mariano, kailangang mabigyan ng subsidiya ang mga magsasaka kung desidido ang gobyerno na maibaba ang presyo ng bigas.


Aniya, dapat ipagpatuloy ng gobyerno ang pagsisikap na gawing self-sufficient ang pagkain ng Pilipinas.

Kailangan din aniyang gumawa ng mga hakbang para sa kapakanan ng mga magsasaka para hindi na umaasa ang bansa sa pag-aangkat ng bigas.

Facebook Comments