Nominees ng party-list groups na may paksyon, hindi ipoproklama ng COMELEC

335

Hindi ipoproklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nominee ng party-list groups na may paksyon.

Ayon kay COMELEC Spokesperson Atty. Rex Laudiangco, sa halip ang ipoproklama lamang nila ay ang party-list organization.

Aniya, hangga’t hindi nareresolba ang problema sa paksyon ng party-list ay hindi nila ipoproklama ang nominees.


Samantala, pinayuhan naman ng poll body ang mga party-list groups na maagang nagdaraos ng victory party na hintayin na muna ang formal action ng COMELEC bago magdiwang.

Dakong alas-4:00 ng hapon sa Huwebes, May 19 ang partial proclamation ng COMLEEC sa mga nanalong party-list groups.

Facebook Comments