₱20 milyong tulong pinansyal, naipamahagi na ng DOH

Naipamahagi na ng Department of Health (DOH) ang 20 milyong pisong halaga ng tulong pinansyal sa mga ospital na nasalanta ng Bagyong Rolly.

Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, naibigay na nila ang tulong sa tatlong DOH retained hospitals, anim sa Bicol Region at sa Naga City.

Naiabot na rin nila ang mga hygiene kits, collapsible drinking water containers, gamot, at iba medical equipments gaya ng personal protective equipment (ppe) sa iba’t ibang opisina ng ahensya na pawang apektado ng bagyo.


Samantala, nangangalap ng donasyon ang ilang doktor mula sa Philippine Medical Association (PMA) para sa gaganaping medical mission at relief distribution para sa mga residente sa Bicol.

Kabilang din ang programang ‘Doctors on Boat’ na naglalayong pumunta sa mga liblib na lugar at malalayong probinsya.

Maliban dito, nagpaabot na rin ng tulong pinansyal ang United Kingdom sa Pilipinas at Vietnam na nagkakahalagang P62.8 milyon matapos tamaan ng mga bagyo.

 

Facebook Comments