Star for All Seasons Vilma Santos, gusto na ng apo

63

Inamin ng multi- awarded actress at politician na si Vilma Santos na isa sa kanyang birthday wishes ay isang apo.

Bukod sa matapos na ang nangyayaring pandemya, ipinagdadasal din niya na sana ay magkaroon na siya ng apo sa kanyang anak na si Luis Manzano at sa girlfriend nitong si Jessie Mendiola.


Gayunman, tikom pa rin ang bibig ng Star for All Seasons tungkol sa planong pagpapakasal ng dalawa at sinabing ‘very soon’ lamang ang kanyang masasabi.

Nagpa-abot naman ito ng pasasalamat sa kanyang mga mahal sa buhay at sa lahat ng Vilmanians na bumati sa kanyang kaarawan.

Sa ngayon, fulfilled na raw ito bilang ina dahil nakita niyang lumaki ng maayos ang kanyang dalawang anak.

Facebook Comments