Sa tantya ni Senator Sherwin Gatchalian ay aabot sa 200 billion pesos ang kakailanganin para mabilhan ng COVID-19 vaccine ang mahigit 109 milyong mga Pilipino.
Ang budget para dito ay hindi nakasaad sa panukalang Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2.
Pero ayon kay Gatchalian, bibigyan naman nito ng kapangyarihan ang Pangulo para mag-realign ng pondo na pambili ng bakuna kontra COVID-19.
Maging si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ay umaasa na aabot sa 110 vials ng COVID-19 vaccines ang mabibili ng Pilipinas para lahat ng Pilipino ay mabigyan.
Facebook Comments