₱27.59M NA KAGAMITANG PANSAKA, BINILI NG DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM REGIONAL OFFICE I

Bumili ng halagang ₱27.59 milyong makinarya at kagamitan sa mga sakahan sa rehiyon uno para sa proyektong Sustainable and Resilient Agrarian Reform Communities Ng Department of Agrarian Reform Regional Office I.
Isinagawa ang naturang papasinaya dito ng mga miyembro ng Regional Bids and Awards Committee (BAC), na binubuo ng mga kinatawan mula sa lahat ng apat na probinsya kung saan nagsagawa din ng post-qualification sa Pangasinan upang i-verify ang pagsunod ng nanalong bidder sa legal at teknikal na mga kinakailangan ng Committee para sa kontrata.
Ang SuRe ARCs ay isang paparating na programa na naglalayong suportahan ang sektor ng agrikultura ng bansa at pahusayin pa ang seguridad sa pagkain.

Bilang karagdagan sa farm mechanization, ang proyekto ay nagtatatag din ng enterprise-based crop nursery na may greenhouse facilities at tissue culture laboratories sa Agrarian Reform Beneficiary Organizations, State Universities at Colleges, at Local Government Units sa loob ng ARCs sa rehiyon. |ifmnews
Facebook Comments