Umabot sa 3.4 milyon pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa Anti-Illegal Drugs Operation sa gitna ng ipinapatupad na Extreme Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Olongapo City.
Sa report mula sa OCPO nag-ugat ang operasyon sa naging Anti-Drug Operation ng NPD sa Caloocan City noong Abril a-nueve kung saan naunang nakumpiska ang 105 gramo ng shabu at sa isinagawang follow up operation ay nadakip ang mga drug personalities na sina Jonalyn Igbus y Colong; Reuben Melencio y Biong; Niño Roble y Dimapase at Jemylin Colong y Cabanes alyas “Malyn”.
Nakuha sa kanila ang medium size heat sealed transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na 502 grams na may estimated street value na ₱3,413,600.00; genuine ₱1,000.00 bill kasama ang 231 piraso ng ₱1,000.00 boodle money na ginamit na buy-bust money, 2 cellular phones , iPhone 11 Pro Max, iPhone 6plus na kulay silver at iba pang drug paraphernalia.
Kaugnay nito ay nadakip din ang mga wanted persons na sina Leonora Colong y Cabanes; Ruben Cawaling y Tan alyas Robin Cawaling, at Lizbeth Colong Y Cabanes, pawang mga kasamahan ni Malyn Colong.
Naipresenta ang mga nadakip sa pagdalaw sa Olongapo City ni Central Luzon Police Regional Director Brigadier General Rhodel Sermonia sa Olongapo City Police Office nitong Biyernes Santo.