₱3-M E-CLIP aid, ipinagkaloob ng DILG sa 27 na rebelde sa Pagadian City na nagbalik loob sa pamahalaan

Personal na pinangunahan ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary “Benhur’ Abalos Jr., ang pagtanggap sa 27 na miyembro ng New People’s Army (NPA) na kumikilos sa Zamboanga Peninsula na na nagbalik-loob sa pamahalaan.

Mismong iniabot din ng kalihim sa mga sumukong miyembro ng NPA ang ₱3 million na financial assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Sa 27, 17 ay mula sa Zamboanga del Norte, 4 sa Zamboanga Sibugay at 6 mula sa Zamboanga del Sur.


Isinuko rin ng mga ito ang 72 na piraso ng iba’t ibang uri ng armas.

Nitong July 31, umakyat na sa 8,889 ang bilang ng mga rebeldeng sumuko sa gobyerno.

Sa ilalim ng E-CLIP, bawat rebelde ay makatatanggap ng tig-₱15,000 bilang cash assistance at ₱50,000 na livelihood assistance.

Maliban dito, may katumbas din na halaga ang bawat uri ng armas na kanilang isu-surrender.

Facebook Comments