Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱33 na umento sa arawang sahod ng mga minimum wage earner sa Central Visayas.
Dahil dito, papalo na sa ₱420-468 ang daily minimum wage para sa non-agriculture sector.
Habang ₱415-458 naman para sa agriculture sector na mayroong mas bababa sa 10 empleyado.
Epektibo ang naturang umento sa sahod simula sa October 01, 2023.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang wage order ay isinumite sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) at pinagtibay noong September 12.
Facebook Comments