₱4.7M halaga ng iligal na droga na isinilid sa plastic ng yelo, nakuha mula sa isang babae sa Sta. Cruz, Maynila

Isang babae sa Maynila ang inaresto matapos mahulihan ng iligal na droga na aabot sa 700 gramo.

Ayon sa ulat ng Manila Police District, dinakip ang trenta anyos na si Farida Macmod sa bahagi ng Soler Street malapit sa kanto ng Rizal Avenue sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakuha mula sa kaniya ang dalawang piraso ng transparent plastice sachet dalawang plastic ice bags na may laman na shabu.


Aabot sa ₱4.7 milyon ang halaga ng shabu na kabuuang nakumpiska mula sa suspek.

Nahaharap ito sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Facebook Comments