₱40 – ₱45 billion, nawawala sa kita ng pamahalaan dahil sa technical smuggling ng animal feeds na pinoproseso bilang cooking oil

Umaabot sa ₱40 billion hanggang ₱45 Billion ang nawawala sa kita ng pamahalaan dahil sa technical smuggling o misdeclaration ng animal feeds na pinoproseso bilang cooking oil o palm oil sa bansa.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Usec. Fermin Adriano, nasa 15% ang pataw na buwis sa taripa ng palm oil kung kaya’t ipinapasok ito bilang animal feed para walang taripa at saka ito pinoproseso ng ibang kumpanya bilang palm oil kapag nakapasok na sa bansa.

Dahil dito ay umapela si Adriano sa Department of Justice (DOJ) na pabilisin ang ginagawang imbestigasyon sa umano’y technical smuggling at panagutin ang mga nasa likod nito upang mabawi ang malaking halaga na nawala sa gobyerno.


Aminado naman si Adriano na komplikado ang imbestigasyon na ito dahil kailangan magsimula sa pagtrace mula sa port of entry upang mapatunayan ang mga alegasyon na ipinasok ang animal feed sa bansa iprinoseso bilang palm oil.

Facebook Comments