COMELEC, ipinagtanggol si Spokesperson Dir. James Jimenez hinggil sa naunsiyaming debate

161

Ipinagtanggol ni Commission on Election (COMELEC) Commissioner George Garcia si poll body Spokesperson Dir. James Jimenez sa pagkakadawit nito sa naudlot na presidential at vice presidential debate nitong weekend.

Ayon kay Garcia, inosente pa ring maituturing ang mga isinasangkot sa pagkakaudlot ng debate hangga’t wala pa ang resulta ng imbestigasyon hinggil dito.

Nauna nang kinumpirma ni Jimenez na pinagpapaliwanag siya ni COMELEC Commissioner Rey Bulay matapos lumabas sa isang pahayagan na siya ang tumayong guarantor at naniguro sa Sofitel Hotel na babayaran ng Impact Hub Manila ang gastos sa serye ng mga debate.


Ginawa umano ni Jimenez ang hakbang ng walang permiso mula sa COMELEC En Banc.

Facebook Comments