Binatikos ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang pagdoble ng budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC para sa 2022.
Tahasang sinabi ni Drilon na posibleng magamit sa susunod na eleksyon ang ₱40 billion na panukalang 2022 budget para sa NTF-ELCAC.
Giit ni Drilon, ang planong pagtaas sa budget ng NTF-ELCAC ay hindi katanggap-tangap sa harap ng tumitinding banta o panganib na hatid ng COVID-19.
Diin pa ni Drilon, kawalan din ito ng katarungan para sa 4.2 millyong pamilya na nagugutom dahil sa pandemya at 3.73 milyong mga Pilipino na nawalan ng trabaho.
Kaugnay nito ay iminungkahi ni Drilon sa Commission on Audit na isailalim sa special audit ang ₱19.2 billion na pondo ng NTF-ELCAC ngayong taon kung saan ang ₱16.3 billion ay ibinigay sa 820 barangays na nakalaya na mula sa insurgency.