Friday, March 6, 2026

Rep. Suntay, nag-sorry sa aktres na si Anne Curtis

Humingi ng paumanhin si Quezon City Rep. Bong Suntay sa aktres na si Anne Curtis sa mga nasaktan sa kaniyang naging pahayag ukol sa ‘desire’ at ‘imagination’ sa kasagsagan ng deliberasyon ng House Committee on Justice sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Diin ni Suntay, hindi nya intensyon na makasakit at walang malisya ang kanyang naging manifestation na “taken out of context.”

Nilinaw rin ni Suntay na hindi pa nya nakikita ang aktres na si Curtis.

Ayon kay Suntay, nakakalungkot na mas nabigyan ng atensyon ng media ang isyu kay Anne Curtis sa halip na ang impeachment proceedings laban kay VP Sara na mas mahalagang usapin.

Facebook Comments