₱5.3 bilyong halaga ng smuggled goods na ilan ay agri products, nakumpiska ng Bureau of Customs sa ika-100 days sa pwesto ng PBBM

Umabot sa 5.3 bilyong pisong halaga ng mga smuggled good ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) mula nang magsimula ang Marcos administration ang ika-100 araw sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Arnaldo Dela Torre, chief custom operations at spokesperson ng BOC na umabot sa 128 letters of authorities ang kanilang ipinatupad para ma-inspeksyon ang mga bodegang hinihinalang may smuggled goods.

Ilan aniya rito ay ang mga bodegang may mga smuggled agricultural product katulad ng asukal at bigas.


Sa pagkakakumpiska aniya sa smuggled goods na ito, may 26 na importer ang sinampahan ng criminal case sa Department of Justice (DOJ) dahil sa pagkakakumpiska ng 175.94 milyong smuggled goods at may limang tauhan ng Philippine Regulation Commission (PRC) ang sinampahan din ng administrative case.

Sa panig naman BOC, may walong tauhan silang inisyuhan ng show cause orders, isa ay sinampahan kasong administratibo, 132 ay iniimbestigahan pa, isa ay suspendido, tatlo ay reprimand, 74 ay na-reshuffle at pito ay tinanggal sa BOC.

Ang dahilan sa mga parusang ito sa mga tauhan ng BOC ay dahil sa pagkakasangkot sa pagpupuslit ng smuggled goods.

Facebook Comments