₱5.7 MILYON NA TULONG, NAIPAMAHAGI SA 1,922 SENIOR CITIZENS SA TAYUG

Muling nakatanggap ng tig-₱3,000 na pinansyal na tulong ang 1,922 kabuuang senior citizens sa bayan ng Tayug, Pangasinan mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Pinangunahan ang pamamahagi ng tulong ng Social Welfare Office at Municipal Roving Bookkeeper, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office o MSWDO at Senior Citizens Federation.

Layunin ng naturang ayuda na makatulong sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga benepisyaryong senior citizen at makapagbigay ng karagdagang suporta sa kanilang pamumuhay.

Patuloy namang kinikilala ng Pamahalaang Bayan ng Tayug ang mahalagang papel ng mga nakatatanda sa komunidad at ang pangangailangang mabigyan sila ng sapat na suporta at benepisyo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments