Sinuri ng lokal na pamahalaan ng Labrador, Pangasinan ang solar energy project ng isang kumpanya sa bayan, partikular ang progreso ng konstruksyon at pagsunod ng kumpanya sa mga pamantayan noong Lunes, Nobyembre 9.
Nagsagawa ng ocular inspection ang Municipal Environment and Natural Resources Office o MENRO, katuwang ang Public Employment Service Office o PESO at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO, sa project site at tanggapan ng naturang kumpanya.
Kabilang sa sinuri ang kasalukuyang estado ng civil at electrical works na isinasagawa ng iba’t ibang subcontractor, gayundin ang kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa, tamang pasahod at pangangalaga sa kabundukan at kalapit na kapaligiran.
May ilang isyung natukoy sa inspeksyon na kinakailangang aksyunan, ngunit tiniyak ng kumpanya na patuloy umano silang nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para matugunan ang mga ito at maisaayos ang operasyon ng proyekto. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








