₱50 billion na utang ng POGO, dapat singilin para gamiting calamity fund

Iginiit ni Senator Joel Villanueva sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na maging determinado sa paniningil sa ₱50 bilyong utang na buwis ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) firms.

Diin ni Villanueva, hindi tayo dapat basta na lang mag-move on sa pagkakautang ng POGO companies na kahit magsasara o papaalis na ay dapat singilin pa rin.

Ayon kay Villanueva, ang masisingil mula sa utang na buwis ng POGO ay maaaring gamitin na pantulong sa mga biktima ng Bagyong Quinta at Rolly.


Mungkahi ito ni Villanueva kasunod ng report na papaubos na ang calamity fund ng mga ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan dahil sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments