COVID-19 serology testing centers sa Maynila, muling bubuksan ngayong araw

36

Muling magbubukas ang lahat ng drive-thru at walk-in COVID-19 serology testing centers sa lungsod ng Maynila simula ngayong araw matapos isara dahil sa pananalasa ng Bagyong Rolly.

Kinabibilangan ito ng walk-in testing centers sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Justice Jose Abad Santos General Hospital, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Maynila.


Kasama ring balik sa operasyon ang drive-thru serology testing center sa Quirino Grandstand.

Ayon sa Manila Health Department o MHD, prayoridad ng kanilang departamento na magpatuloy sa paghahatid ng serbisyong medikal sa mga Manileño lalo na’t nananatili ang banta ng COVID-19.

Facebook Comments