₱500 dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa Central Visayas, aprubado na

Aprubado na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang limandaang pisong umento sa buwanang sahod ng mga kasambahay sa Central Visayas.

Epektibo sa May 11, 2024, ₱6,000 na ang monthly salary ng mga domestic worker sa chartered cities at first-class municipalities habang ₱5,000 sa iba pang munisipalidad.

Ayon sa DOLE, nasa 107,931 na domestic workers sa Central Visayas ang makikinabang sa wage adjustment.


Huling tumaas ang sahod ng mga kasambahay sa rehiyon noon pang June 14, 2022.

Facebook Comments