Mahigit ₱320-k halaga ng shabu, nasabat sa dalawang suspek sa sementeryo sa Lungsod ng Pasay

 

Sasampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang (2) suspek na nahuli sa isang sementeryo sa Arnaiz Avenue, Pasay City.

Ayon sa Pasay City Police Station Sub-Station 4, ang mga suspek ay kinilalang sina alyas ‘Mark’ at alyas ‘Junivoy’ na parehong tulak ng iligal na droga.

Narekober sa mga suspek ang nakataling transparent plastic bag na naglalaman ng 47.36 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱322,048.


Kasama pa sa mga nakuha sa mga suspek ang genuine at pekeng mga pera na nagkakahalaga ng ₱54,000 na ginamit bilang buy bust money.

Facebook Comments