Nakumpiska ng Police Regional Office (PRO) 1 ang nasa kabuuang halaga na ₱8,500,269 ng iligal na droga mula sa mga isinagawang anti-illegal drug operations sa iba’t ibang bahagi ng Ilocos Region mula Marso 15 hanggang 21, 2026.
Sa isang linggong operasyon, narekober ng mga operatiba ang 305.20 gramo ng shabu, 37.91 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, tatlong marijuana sticks, at 32,100 piraso ng marijuana plants.
Kasabay nito, umabot sa 83 indibidwal ang naaresto ng pulisya.
Binigyang-diin ng pulisya na nananatiling pangunahing prayoridad ang tuluyang pag-alis ng ilegal na droga sa mga komunidad dahil sa malawak nitong pinsala sa kapayapaan, kaayusan, at kinabukasan ng mamamayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








