DAGUPAN AT SAN FABIAN, NATIONAL FINALISTS SA 2025 PRESIDENTIAL AWARDS FOR CHILD-FRIENDLY MUNICIPALITIES AND CITIES

Kabilang ang Dagupan City at San Fabian sa mga kinilala bilang National Finalists sa 2025 Presidential Awards for Child-Friendly Municipalities and Cities.

Ito ay matapos ang ginanap na ika-75 anibersaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office I noong Marso 19, 2026 sa San Fernando City, La Union.

Ayon sa ulat, tumanggap ang Dagupan City ng Special Citation kaugnay ng pagpapatupad ng mga programa para sa child welfare at protection sa lungsod.

Samantala, ginawaran din ang San Fabian ng Special Citation bilang National Finalist para sa pagpoprotekta sa kapakanan ng mga bata sa bayan.

Kabilang din sa mga kinilalang finalists ang Cabagan, Isabela; Santo Tomas, La Union; Tagaytay City; Naga City; at Quezon City. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments