Umaabot sa mahigit ₱800-M ang standby funds na maaring gamitin bilang pantulong sa mga maapektuhan ng Bagyong Florita.
Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa nasabing halaga ₱765-M dito ang quick response fund na nasa Department of Social Welfare and Development (DSWD) central office.
Samantala mayroon ding 480,036 family food packs na nagkakahalaga ng ₱283-M ang available.
Habang nasa ₱190-M food items at ₱436-M non-food items ang nakahandang ipamigay anumang oras.
Sa ngayon, nasa mahigit 500 indibidwal na ang inilikas sa northern luzon bunsod nang pananalasa ng Bagyong Florita.
Facebook Comments