Number coding scheme, suspendido na ngayong hapon hanggang bukas

Matapos ang suspension sa government offices at sa public schools na inanunsyo ng Malakanyang, dahil sa malakas na pag-ulan, nag-anunsyo na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng suspension ng number coding scheme.

Epektibo ito ngayong hapon hanggang bukas.

Inanunsyo rin ng MMDA na suspendido na rin ngayong araw, Agosto 23, ang operasyon ng Pasig River Ferry Service dahil sa masamang panahon.


Facebook Comments