Pinatitiyak ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa mga economic managers na makalilikha ng permanente at disenteng trabaho ang ₱9 trillion na halaga ng infrastructure projects na aprubado ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Naniniwala ang TUCP na nanatili ang “endo” o kontraktwalisasyon dahil sa kawalan ng comprehensive national employment plan ng pamahalaan.
Kabilang sa mga proyekto na inaasahang makalikha ng bagong trabaho ay sa national railways at agriculture sector.
Dahil dito, pinamamadali na ng TUCP sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang long-overdue na Labor and Employment Plan (LEP) na magiging gabay sa lilikhaing bagong trabaho.
Sa pagtaya ng TUCP sa 2023, aabot sa 4 million na sustainable decent jobs ang malilikha.