Gunman sa pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Lubigan, arestado ng PNP

Matapos ang 5 taong pagtatago sa batas, matagumpay na naaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang suspek sa pagpatay kay Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan.

Kinilala ang suspek na si Ariel Fletchetro Paiton, alyas Dagul at Labuyo.

Nadakip si alyas Dagul makaraang isilbi sa kanya ng Cavite Provincial Police Office ang warrant of arrest sa kanyang pinagtataguan sa Barangay Sta. Ana, Antipolo, Rizal nito lamang March 10.


Nagtangka pa umanong tumakas ang suspek nang arestuhin ng mga awtoridad dahilan para magtamo ito ng gunshot wound sa kaliwang balikat.

Nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang Caliber 45 Norinco pistol na mayroong 16 na live ammunitions.

Sa ngayon nakalabas na ng ospital ang suspek at nakatakdang i-turnover sa Trece Martires police upang kaharapin ang patong-patong na kaso.

Facebook Comments