₱95-M halaga ng marijuana nasabat ng PNP

Nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang ₱95-M halaga ng marijuana sa magkakahiwalay na operasyon kahapon.

Winasak ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group at ng militar ang mga tanim ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱32-M sa apat na lugar sa Brgy. Dilimbayan, Maguing, Lanao del Sur.

Sa Tinglayan, Kalinga province naman, sinira ng mga tauhan ng Police Regional Office Cordillera Autonomous Region, PDEG, at Special Action Force ang kabuuang ₱57-M halaga ng marijuana sa barangay Ngibat at sa magkahiwalay na plantasyon sa Barangay Bugnay.


Habang sa Taytay, Rizal, narekober ng mga pulis ang ₱6.3-M halaga ng marijuana at dalawang handgun mula sa 2 naarestong high value targets na sina Marvic Curuelos at Wilfredo Perez.

Samantala, ayon kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., na ang sunod-sunod na pagwasak ng Pambansang Pulisya sa mga ilegal na plantasyon ng Marijuana ay patunay na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.

Facebook Comments