Kinilala ang mga suspek na sina Jomear Meneses Estrada, 27 anyos, walang asawa, negosyante at residente ng Santa Rosa, San Luis, Solano, Nueva Vizcaya; Rochelle Omanito Perez, 25 anyos, may bahay, at residente ng Santa Rosa, San Luis, Solano, Nueva Vizcaya; Ronan Marzan Gallevo, 24 anyos, college student at residente ng Purok Binacao, Quirino, Solano, Nueva Vizcaya; at David Sta Ana Valdez, 25 years anyos, walang asawa, walang trabaho at residente ng Purok 2, Quezon, Nueva Vizcaya.
Sila ay nadakip sa pinagsanib na pwersa ng PDEA RO II Nueva Vizcaya Provincial Office, Bayombong PS, RDEU at Solano PS sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Sta Rosa, San Luis, Solano, Nueva Vizcaya matapos maaktuhang nagtutulak ng iligal na droga sa pulis na umaktong poseur-buyer.
Nakuha sa kanilang pag-iingat ang 11 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng iligal na droga na may market value na 20,400 pesos,isang paper bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng 42,000 pesos, isang transparent plastic sachet na may residue, iba’t ibang drug paraphernalias, disassembled Cal. 22 na baril na may isang bala, isang timbangan, dalawang cellphone at ang ginamit na boodle money sa operasyon.
Ang apat na suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Firearms and Ammunition Regulation Act.