DALAWA, NAGSAULI NG AYUDANG NATANGGAP MULA DSWD

30
Cauayan City, Isabela-Dalawang indibidwal ang boluntaryong nagsauli ng kanilang natanggap na pera mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) matapos malamang hindi na maaring makatanggap ng educational cash grant ang pamilyang kabilang sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon sa nakuhang impormasyon mula Philippine Information Agency Apayao, sinauli agad nila Rose Pareha and Melanie Casarena na parehong residente ng Luna, Apayao ang nakuhang pera sa DSWD SWAD Apayao matapos i-klaripika ni DSWD Sec. Erwin Tulfo noong Linggo, Agosto 21, 2022 na hindi na kasali sa ayuda ang mga may natatanggap na sa 4Ps.

Base sa datos na inilabas ng DSWD mayroong kabuuang 280,000 pesos ang naipamahagi ng ahensiya sa 99 katao sa unang bunsod ng distribusyon ng AICS noong Sabado, Agosto 20, 2022.

Facebook Comments