Kinilala ang mga sumuko na sina alyas Emma, 42 taong gulang, may asawa, walang trabaho; at alyas Evelyn, 57 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at parehong residente ng Brgy. Masical, Amulung, Cagayan.
Sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Provincial Police Office, sila ay nakumbinsi na sumali sa makakaliwang grupo noong taong 2018 ni ni Norma Matias dahil wala silang natanggap na “relief goods” mula sa gobyerno para sa Bagyong Lawin.
Inilahad naman ng dalawa sa mga pulis na bago ang kanilang pagsuko ay aktibo sila sa partisipasyon at pagsasagawa ng anti-government rally/demonstrations sa Tuguegarao City, Cagayan.
Ibinunyag pa nila na sila ay pinangakuan ng mga pinuno ng grupo nabibigyan ng cash incentives at pagbibigay ng seguridad ngunit matapos ang aktibong pakikilahok sa mga aktibidad ng nasabing organisasyon ay wala silang natanggap.
Sila ay napasuko ng pinagsanib pwersa ng Pulis Sa Barangay at Intelligence Tracker Team ng Amulung Police Station kasama ang mga tauhan ng 3rd Mobile Force Platoon, at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company matapos ang serye ng Lingkod Bayanihan, Bisita ni PD at COP sa Barangay at matagumpay na konsultasyon/pagpupulong kaugnay sa mga aktibidad ng EO 70/ NTF- ELCAC na isinagawa ng Amulung PS kasama ang “Intelligence counterparts”.